5 manlalaro ng Baler team, pinagnakawan sa kanilang quarter

Nilooban at pinagnakawan ang quarter ng limang manlalarong istudiyande ng Baler Team sa National Science High School sa Barangay Buhangin, Baler, Aurora noong madaling araw ng lunes (Nov.18, 2013)

Natangay ng hindi pa nikikilalang mga kawatan ang isang (1) unit Myphone, isang (1) unit na Acer Laptop, isang (1) unit na Mini Apple Ipad, isang (1) unit na Alcatel Cell Phone at pera mula sa limang manlalaro.

Base sa unang imbestigasyon ng Baler PNP, sa pagitan ng ala-una hanggang alas-tres ng madaling araw umatake ang mga nanloob. Binaklas ng mga ito ang bintana ng classroom na ito ang nagsilbing daanan ng mga kawatan. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments