6 na buwang sanggol, patay sa sunog

Patay ang isang 6 na buwang sanggol makaraang ito ay masunod sa Bayan ng Casiguran, Aurora kamakailan.

Ang biktima ay nakilala ng mga awtoridad na si Rey Roxas, anak ng mag asawang Regie at Mariel Roxas ng Sitio Biglang Sibol, Brgy. Marikit ng nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naiwang mag-isa ang sanggol habang natutulog ng mangyari ang insidente. Laking gulat na lamang ng mga nakakita na nasusunog na ang sanggol.

Agad namang dinala ng ama nito ang biktima sa Casiguran District Hospital para malapatan ng lunas, subalit makaraan lamang ang halos 4 na oras ay binawian ng buhay ang sanggol dahil sa sinapit nitong 3rd degree burn.

Nag hihinagpis naman ang mga magulang nito sa pangyayari dahil hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kanila kung paano ito nangyari, ganong hindi naman nagalaw ang gasera at nasunog ang kawayan kung saan ito natutulog.

Comments