Aksidente sa motorsiklo, isang lalaki Patay sa Bayan ng Maria Aurora.

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong maaksidente sa bayan ng Maria Aurora, Aurora kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Bryan Breyson Y Limbo, 22 taong gulang, at residente ng Brgy. Bayabas, Dipaculao, Aurora.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya, binabagtas umano ng biktima ang daang Maharlika na sakop ng Cabituculan West lulan ng motorsiklo Smash 110.

Sa bilis ng takbo ng motorsiklo, nawalan ito ng control sa preno sanhi upang tumilapon ang biktima, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at  iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Comments