Annual Buntis Congress, matagumpay na idinaos sa bayan ng Dipaculao

Muli na namang nagdaos ng taunang  Annual Buntis Congress ang Municipal Health Office sa pakikiisa narin ng Shell Philippines Inc. (Global Fund) at Provincial Health Office. 

Para naman sa mga inang nagdadalang tao. Isinagawa ito sa Don Claro M Recto Amphitheater sa Dipaculao Aurora kahapon (Nov.25) na dinaluhan ng 87 na mga buntis mula naman sa iba’t-ibang barangays ng nasabing bayan. 

Naging unang tagapagsalita si Dr. Arturo A. Parilla Jr. ng Municipal Health Officer, sinundan ito nina Hon. Roberto delos Santos ng Sangguniang Bayan for Health at  Dr. Luisito G. Teh ng Provincial Health Officer-II.

Nagbigay naman ng lecture para sa mga buntis si Mrs. Lucena Quiday na Nutritionist-Dietitian-II. Nagpaunlak rin ng mensahe sa naturang programa si Vice Mayor Teresita Obillo bilang representative ni Mayor Reynante A. Tolentino.

Natapos ang nasabing programa na puno ng kaalaman ang mga dumalo ukol sa tamang pangangalaga at wastong pagkain ng mga ito sa simula pa lamang ng pag dadalang tao. (Melanie Hugo/George Balbero)

Comments