Aurora Gov. Atty. Gerardo Gerry Noveras, namigay ng Educational Assistance at Honorarium sa bayan ng Casiguran

Pinangunahan nina Aurora Gov. Gerardo “Jerry” Noveras at Kokal Antonio Curitana ang pamimigay ng Educational Assistance sa mga piling mag aaral ng  Lual National High School, Dibacong National High School, at Casiguran National High School at honorarium sa mga Day Care Worke.

Bago igawad ang mga tseke, mainit na pagtanggap ang ipinarating ni Mayor Ricky Bitong.

Inatasan naman si Gng. Aida Rotaquio ng DSWD para hanapin ang mga beneficiaries ng 4P’S na siyang priority ng pamahalaan. 

Humanga naman ang punong lalawigan dahil sa kabila ng masamang panahon ay nakarating ang mga ito.

Nag-iwan naman ito ng mahalagang mensahe sa mga kabataan na mag-aral ng mabuti, habang sisikapin umano nito na madagdagan pa ang honorarium ng mga Day Care Worker.

Comments