Aurora, gusto ng Department of Health at ng Department of Agriculture na rabies free province pero tinanggihan ng Provincial Veterinary’s Office

Dahil sa halos limang taon nang ligtas sa kaso ng nakamamatay na rabies ang lalawigan ng Aurora, nakatakda na sanang ideklara ng Depatment of Health at ng Department of Agriculture na rabies free province ang lalawigan subalit tinanggihan ito ng Provincial Veterinary’s Office na pinamumunuan ni Dr. Angel Silvestre.

Ayon mismo kay Silvestre, hindi niya hindi siya pumayag na ma-nombre-han ang Aurora na rebies free dahil sa patuloy na paglalaboy ng mga nagkalat na asong kalye sa mga lansangan ng bawat munisipyo sa lalawigan.

Sa kanyang paliwanag, habang patuloy na nagkalat ang mga askal, ito ay nagsisilbing threat o banta sa kaligtasan ng mga mamamayan kontra rabies.

Dahil dito, inatasan umano siya ni Governor Gerry Noveras na pag-aralan ang pagtatayo ng isang provincial dog pound sa pamamagitan ng paghahain ng isang resolusyon sa Sangguniang Panglalawigan.

Comments