Aurora Provincial Athletic Association 2013, nagsimula na

Sa kabila ng ilang kahadlangan at kontrobersya, natuloy din ang Palarong Panlalawigan 2013.
Ang palaro ay pinasimulan ng parada kahapon (Nov.20, 2013) ng lahat ng atletang kalahok kasama ang kanilang coaches. Trainors, teacher at mga chaperon, ang parada ay nagmula sa Capitol Ground at natapos sa Baler Central School.

Dinaluhan naman ng mga Mayor at Vice Mayor ng bawat Municipalidad ang pagbubukas ng Aurora Provincial Athletic Association 2013.

Tatlong bayan ang hindi nakapagpadala ng kanilang kinatawan, ito ang mga bayan ng Casiguran, Dinalungan at Dingalan, dahil ang mga naturang Bayan ang matinding tinamaan ng kalamidad.

Naging pangunahing tagapagsalita naman sa opening ng APAA si Aurora Gov. Atty. Gerardo Gerry Noveras, sa kanyang talumpati ay una nitong pinuna ang School Division’s Superintendent (SDS) na si Gng. Teresa Mababa dahil sa hindi nito pagdalo sa naturang aktibidad- tuwirang Sinabi ni Noveras na walang anomang sapat na maaring dahilan si Mababa upang hindi nito siputin ang pagbubukas ng Provincial Meet.

Idinagdag pa ni Noveras na ito ang disadvantage kung hindi taga Aurora ang SDS ng Division Office ng DepEd sa Lalawigan.

Sa kanyang mensahe, hiniling ni Noveras na sana ang APAA ang maging daan ng pagkakaisa hindi lamang ng mga atleta kundi lahat ng nanunungkulan sa Pamahalaan.

Binigyan diin din nito na ang Provincial Meet ay hindi maaaring hindi matuloy dahi ito ay sakop ng Batas na dapat sundin. (Rey S. Fernando)

Comments