Baler PNP, namahagi ng tulong sa Visayas Region

Nagpaabot ng kanilang tulong ang Baler PNP para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Noong ika-11 ng buwan na ito ay nagsimula silang mangalap ng mga damit sa mga taga Baler upang maipadala sa Visayas Region.

Nakatakdang ibigay ang may 2 malalaking kahon na puno ng mga kasuotang galing sa mga kababayan nating nag nanais na makatulong.

Ang direktibang ito ay sa pamumuno ni P/SINS Rex Perocho ng ng Baler PNP. 

Aniya Parocho, ito ay patunay lamang, na sa panahon ng kalamidad lumalabas ang diwa ng pagdadamayan ng mga taga Aurora.

Comments