Bata, anim na taong gulang, tinuklaw ng ahas sa Maria Aurora, patay

Patay ang isang bata, anim na taong gulang sa Sitio Calao, Barangay Wenceslao, Maria Aurora, Aurora makaraang ito ay matulaw ng hindi pa malamang uri ng ahas noong Biyernes (Nov.15, 2013) dakong alas 2:30 ng hapon.

Sa impormasyon nakalap ng CMN News mula sa mga magulang ng biktimang si Angel Ancheta, naglalaro lamang umano ito sa paligid ng kanilang bahay, ng bigla itong sumiga na siya ay tinuklaw ng ahas.

Agad na idinala ang biktia sa Aurora Memorial Hospital. Dakong alas 3:20 ng hapon ng makarating ito sa pagamutan subalit Dead-On-Arrival na ang bata.

Isang makamandag na ahas na kung tawagin ay ulupong ang pinaghihinalaang tumuklaw sa bata sa siyang kinamatay nito. (Arnel M. Turzar/Raul Mendoza)

Comments