Dayuhan ninakawan sa Bayan ng Baler, sing-sing at pera natangay

Hindi nakaligtas sa mapagsamantalang kawatan ang mga dayuhan na nagbabakasyon sa lalawigan ng Aurora.  Ayon kay P/SINS. Rex Perocho, ang mga biktima ay kinilalang sina Gian Carlo Matias y Bisora, 23 taong gulang, isang guro, Joan Laurenti Javier, at ang Korean National  na si Leny Koo, 31 taong gulang at kapwa mga miyembro ng International Educational Institute sa Baguio City.

Pansamantalang nanuluyan ang mga ito sa Smart Beach Resort sa Brgy. Sabang, Baler.
Ayon sa mga biktima, pansamantala silang umalis para mag hapunan subalit walang kamalay malay ang mga ito na sa kanilang pag alis ay nasalisihan sila nito.

Natangay sa mga ito ang engagement ring na nag kakahalaga ng 15,000 piso, Samsung Galaxy Cellphone na nag kakahalaga ng 6,000 piso at perang humigit kumulang sa 13,000 piso.

Sinira umano ng biktima ang bintana at pintuan ng kanilang tinutuluyan kaya ito naka pasok. (George Balbero/Melanie Hugo)

Comments