Ex Casiguran Mayor Fidel “Pusit” Salamera, ililibing na

Ginawaran ng isang Nicrological Service si dating Casiguran Municipal Mayor Fidel “Pusit” Salamera kagabi bilang paggunita sa kanyang sapong taong pamamahala sa bayan ng Casiguran.

Si Ex Mayor Salamera ay puanaw sa edad na 74, sa sakit na Secondary Liver Cirrhosis noong Biyernes ng gabi ganap na ika-8:00 sa  PJG General Hospital, Cabanatuan City. 

Ayon kay Marites Salamera, anak ng dating alkalde, aksidenteng nahulog sa motorsiklo kamakailan ang kanyang ama, na kung saan ay lubhang napinsala ang balakang nito.

Mabait at matulungin umano ang si Salamera sa kanyang mga kababayan.

Ilan sa mga proyektong nagawa ng alkalde ang bagong palengke ng Casiguran, pagpapailaw sa naturang bayan at naging inisyatibo siya upang mag karoon ng mataas na paaralang Lual National High School.

Ngayong araw ay nakatakda itong idala sa Simbahan, bago idiretso sa kanyang huling hantungan sa Pampublikong libigan ng Casiguran.

Comments