Frustrated Homicide, isinampang kaso laban kay Bryan Nesperos

Pormal nang sinampahan ng kasong Frustrated Homicide ang suspek na si Bryan Nesperos y Vargas, residente ng Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Matatandaang inaresto ang suspek ng Baler PNP dahil sa pananaksak nito sa biktimang si Marvin Gutierrez noong Sabado (Nov.16, 2013) sa Barangay Obligacion, Baler, Aurora.

Ayon sa biktima, masaya silang nag-iinuman ng kanyang mga kaibigan, nang bigla nalamang umano siyang pag-initan ng suspek at pagsasaksakin sa hindi malamang dahilan. Ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang suspek na si Bryan Nesperos ay nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide na nakahain sa Regional Trial Court Baler, Aurora sa sala ni Associate Provincial Prosecutor Atty. Juliet Isidro-Reyes. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments