Isang empleyado ng gobyerno, nahulihan ng baril, arestado sa bayan ng Baler

Arestado ang isang empleyado ng gobyerno makaraang ito ay mahulihan ng baril noong Miyerkules ng gabi (Nov.27) sa Bayan ng Baler, Aurora.

Nakumpiska ng mga elemento ng PNP ang isang baril sa pangangalaga ni Emil Maure y Mangaser, 55 taong gulang, Empleyado ng Pamahalaan at residente ng Barangay 01, sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora. 

Base sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP, nakatanggap sila ng isang ulat aksidente na kinasasangkutan ng isang traysikel at isang motorsiklo na minamaneho ni Emil Maure sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora ganap na ika-9:40 ng gabi.

Habang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente, nakita nila ang isang baril sa katawan ni Maure. Tinangka pa umanong nitong  tumakas habang iniimbestigahan, kaya agad na itong inaresto ng responding team sa pangunguna nina PO3 Adrian T. Delos Santos at PO2 Geoffrey M. Bolante.

Ang suspek ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1866 as Amended by RA 8294 o mas kilala sa Illegal Possession of Fire Arms, at habang sinusulat ang balitang ito, ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Baler PNP. (Arnel M. Turzar)

Comments