Isang lalaki sa bayan Dipaculao, arestado sa kasong grave threat

Inaresto ng mga Kagawad ng PNP Dipaculao ang isang lalaki makaraang ito ay gumawa ng gulo sa peryahan dakong alas otso ng gabi noong Miyerkules sa Bayan ng Dipaculao, Aurora malapit sa tanggapan ng Pulisya.

Kinilala ang suspek na si Jose Cabuatan Sr, residente ng Brgy. South Poblacion ng nasabing bayan.

Dahil sa pag papaigting ng katahimikan ng mga awtoridad sa naturang bayan ay agad itong inaresto. Napag alaman din na ito ay matagal ng pinag hahanap ng batas dahil sa kasong Grave Threat sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Joan Dela Cruz ng Maria Aurora-Dipaculao Municipal Circuit Trial Court.

Habang isinusulat ang balitang ito, ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Dipaculao PNP Station.

Comments