Job fair gagawin ng PESCAYDO sa ika-8 ng Disyembre

Naghahanda ang tanggapan ng Provincial Employment, Sports, Culture and Arts for the Youth Development Office (PESCAYDO) ng isang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho dito sa lalawigan.

Sinabi ni Pescaydo Chief Virgilia P. Gomez sa isang panayam na ang kanilang tanggapan ay naghahanda para sa isang job fair. Nakatakda ang naturang job fair sa darating na ika-8 ng Disyembre 2013.

Sinabi ni Gomez na kailangan lamang na makipag-ugnayan ang mga dadalo sa kanilang tanggapan na nasa Capitol Compound, Barangay Suklayin, Baler Aurora. Dalhin na rin aniya ang mga mahahalagang employment requirements kagaya ng biodata, transcript of records, diploma, NBI, passport at 2x2 ID pictures, gayundin ang mga certifications mula naman sa TESDA kung ang mag-aaplay ay mga skilled workers.

Katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE)- Aurora, inaanyayahan ang lahat na naghahanap ng trabaho na magtungo sa tanggapan ng PESCAYDO upang agad na maproseso ang kanilang mga aplikasyon. (Arnel M. Turzar & JSL/PIA-Aurora)

Comments