LGU Baler- naglaan ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan

Isang milyon ang inilaang pondo ng bayan ng Baler, sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong si Yolanda sa bahagi ng kabisayaan. Ito ang napag-usapan sa isinagawang special meeting noong ika- 12 ng Nobyembre, sa pamumuno at inisyatiba ni Mayor Nelianto Pilot  Bihasa.

Ang pondo ay nagmula sa 2004 calamity fund ng bayan ng Baler.

Nakita ang kalagayan ng pamilyan matapos hagupitin ni Yolanda, kayat ganun na lamang ang pagnanais na makatulong ng pamahalaan ng Baler.

Ayon pa kay Mayor Bihasa, batid  niya kung ano ang pakiramdam ng mga biktimang nasalanta ng bagyo, marapat lamang aniya na tumulong rin tayo sa iba pang nangangailangan.

Comments