Libreng gamutan bilang Pamaskong handog ng AKAP, nakatakdang isagawa

Patuloy sa pamimigay ng tulong para sa mga mamayang mahihirap ang grupo ng Alternatibong Kalusugan sa Pamayanan o AKAP ngayon nalalapita na ang Kapaskuhan.

Bilang Pamaskong handog sa mamamayan ng Aurora nagkatakda ito ng libreng gamutan upang lunasan ang mga karaniwang sakit gamit ang tradisyonal na pamamaraan ng pagagamot.

Nakatakda ang kanilang libreng pagagamot tuwing araw ng Biyernes simula sa November 15, 22 at 29 hanggan sa December 6 at 13, 2013, ganap na ika 8:00 ng umaga hanggang ika 5:00 ng hapon sa mga nabanggit na petsa, sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit Baler, Aurora.

Katuwang sa nasabing paggagamot ang mga Community Health Worker o CHW ng mga Muting Sambayanang Kristiyano o MSK sa lalawigan ng Aurora.

Layunin nitong makapagbigay ng libreng serbisyo at maagang Pamasko  sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong sa aspeto ng kalusugan lalo na sa mga kapos palad nating mga kababayan. (Arnel M. Turzar)

Comments