Libreng operasyon sa bukol sa katawan sa katawan, isasagawa sa AMH

Muling magsasagawa ng libreng operasyon sa may mga Goiter, almoranas, luslos, Tubal ligation at mga bukol na tumutubo sa katawan ng tao.

Ayon sa tanggapan ng Aurora Provincial Health, nagsimula na kahapon November 11, 2013 ang kanilang screening at magtatagal ito hanggan sa November 15, 2013 ganap na ika 9:00 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali at ala-una hanggang alas 4:00 naan sa hapon.

Sa mga nagnanais na magpatala, pinapayuhan na magtungo sa Out Patient Department (OPD) ng Aurora Memorial Hospital (AMH) na matatagpuan sa Barangay Reserva, Baler, Aurora.

Ayon sa grupong may inisyatiba ng ganitong paglilingkod, layunin nitong matulungan ang mga mamamayan sa Aurora na nangangailangan ng ganitong tulong na hindi kayang ipagamot dahil narin sa kakulangan ng pananalapi. (Arnel M. Turzar)

Comments