Mayor Amado Geneta, nanawagan ng boluntaryong donasyon sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda

Nanawagan narin ng boluntaryong donasyon para sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda si Mayor Amado Gineta ng bayan ng Ma. Aurora, Aurora.

Sa panayam ng CMN News kay Geneta, magkakaroon ng boluntaryong donasyon ang mga empleyado ng pamahalaan para makatulong sa mga naging biktima ng bagyo sa Kabisayaan.
Aniya, pupunuan na lamang nila ang natitirang pondo ng GRR mula sa malilikom nila para sa karagdagang donasyon. 

Mas mabuti aniya na cash na lamang ang ibigay upang hindi na maka abala pa ang pagdadala nito sa  lugar.

Sa mga nag nanais naman na tumulong,  mangyari  lamang na mag punta sa Treasury Office ng nasabing bayan, upang sila na lamang ang bahalang makipag ugnayan sa ibang Foundation, upang masiguro na makakarating ang mga  ito.

Comments