Meat inspection and quarantine, mahigpit na ipinatutupad sa buong lalagiwan

Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng pamahalaang panglalawigan ang pagpapanatili ng mga meat inspection and quarantine check point sa buong lalawigan upang masigurong ligtas sa ano mang karamdaman ang mga hayop na ipinapasok dito.

Ito ang tinuran ni Dr. Angel Silvestre, Panglalawigan Veterinaryo, sa isang panayam ng CMN News kamailan. Ayon kay Silvestre, dahil nadeklara nang ligtas sa sakit na Foot and Mouth Disease o FMD ang buong Pilipinas, pinapayagan na ang mga may hayupan na ibiyahe ang kanilang mga alagang hayop at ibenta mula sa kani-kanilang mga lalawigan patungo sa iba pang lugar. Ngunit hindi maiiwasang magkasakit pa rin ang mga hayop kung kaya’t kailangang dumaan ito sa tamang proseso.

Aniya, kailangan munang kumuha ng kaukulang mga clearance gaya ng shipping permit, verterinary certificate at iba pang permiso mula sa  kanilang mga local na pamahalaan ang mga may alagang hayop para maluwag itong maibyahe.

Hindi naman aniya mahirap kumuha ng mga ganitong permiso.

Sinabi rin ni Silvestre, para naman ma-streamline ang mga tauhang ng pamahalaan na kumikilos para sa kaligatasan ng mga hayop sa lalawigan, binabalak din ng pamahalaang panglalawigan na pagsamahin na lamang ang mga tuhan ng Provincial Veterinary’s Office at Task Force Sagip Kalisakan na siya namang nangangalaga kontra iligal na pagwasak n gating kalikasan.

Comments