Mga empleyado ng LGU-San Luis, nagdaus ng kanilang Sport Fest 2013

Muling isinagawa noong linggo (Nov.17, 2013) sa ikalawang pagkakataon ang Sport fest sa bayan ng San Luis Aurora.

Ang naturang palaro ay kaugnay na isinasagawang taunang Family Day Celebration ng San Luis, Aurora municipal Employees Association o SLAMEA.

Pinasimulan ang aktibidad ng SLAMEA noong linggo sa pamamagitan ng Fun Walk, kasunod nito ang isang Misa.

Ang mga laro sa naturang Sport Fest ay Basketball  and Volley ball men & women, fun games, gaya ng bulangan ng karayom, sack race at human change.

Ang mga naging kalahok ay binubuo ng tatlong pangkat, ang red, yellow at blue team, bawat manlalaro sa bawat pangkat ay nagmula naman sa iba’t-ibang departamento.

Ang naging overall champion ay may nakalaang gantimpala na 5 libo, 3 libo sa 1st runner-up at 2 libo naman sa 2nd runner up.

Layunin ng naturang palaro, na upang bigkasin ang pagkakaisa ng mga empleyado ng San Luis, Aurora. (Rey S. Fernando)

Comments