Mga kawatan muli na namang nakapang biktima sa bayan ng San Luis Aurora

Nilooban at pinagnakawan ang isang sari-sari store ng hindi pa nakikilalang mga kawatan sa bayan ng San Luis, Aurora.

Ayon sa panayam ng CMN News kay Ginoong Darwin Bautista, sinamantala umano ng mga kaatan ang kalakasan ng ulan at hangin noong nakaraang bagyong Yolanda.

Natangay ng mga suspek ang samut saring mga grocery items, habang iniwang naka-kalat ang mga gamit sa loob matapos ang pagnanakaw.

Dagdag pa ni Bautista, na pera lang  umano ang nakikitang motibo sa insidente at pawang mga kabataan din sa lugar ang mga suspek. 

Ito umano ang kauna- unahang pagkakataon na manakawan sila, sa tagal na nilang negosyante sa naturang bayan.

Comments