Mga mag-aaral ng Juan C. Angara Memorial National High School nagsagawa ng Orientation on United Nation Conference

Nagsagawa ang mga mag-aaral ng Juan C. Angara Memorial High School ng isang Orientation on United Nation’s Conference on the Rights of the Child o UNCRC at Orientation on Climate Change Adaptation kamakailan.

Pinangunahan ito ng  Save the Children CC-CBA Organized Group President na si Terrence Avellaneda, mga opisyales at miyembro, na dinaluhan ng mahigit 50 mga istudyante mula 1st year hanggang 4th year. Nag bigay naman ng mensahe  ang Save the Children CC-CBA  Adviser na si Gng. Oflia Santos.

Layunin ng nasabing aktibidad na maipaalam sa mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan na dapat ay kanilang tinatamasa bilang bata at kabataan. Ngunit, lagging binibigyang diin ng Save The Children na ang bawat karapatan ng bata ay may kaakibat na responsibilidad.

Sa nasabing oryentasyon, tinalakay din kung paano makakasabay o makaka asa ang mga bata sa epekto ng patuloy na pag babago ng panahon ng ating mundo.

Tinalakay din ang tinatawag na Climate Change at kung ano-ano ang mga sanhi nito.

Comments