P1.2 M cash , ipinagkaloob DSWD sa mga biktima ng bagyong labuyo sa Dinadiawan

Labis ang naging kagalakan ng mga residente sa barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora ng sa wakas ay ipinagkaloob sa kanila ng Social Welfare and Development SWAD Region-3 sa pangunguna nina G. Dominador Casandig at Gng. Cora Virrey ang halagang P1,264,520 kahapon ng umaga (Nov.20, 2013).

Ang mga pinagkalooban ng pinasyal na tulong ng Pamahalaan ay 33  benepisyaryo na nawasak ang bahay ng manalanta ang bagyong Labuyo sa lalawigan ng Aurora, kasama din sa nabiyayaan ang nagtamo ng partial damage, na may 138 na benepisyaryo at 101 benepisyaryo ng cash for work.

Kasama sa nag-abot ng tseke sina Aurora Gov. Gerardo Gerry Noveras, Bokal Antonio Curitana, Mayor Reynante Tolentino, Kapitan Amper at G. Alex Ocampo ang Chief of Staff ni Cong. Bellaflor Angara-Castillo.

Samantala, ipinaliwanag ni Noveras na tungkulin ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan na nasalanta ng kalamidad, nilinaw pa nito na ang naturang halagang tulong ay hindi sariling pera ng sinumang pulitiko kundi ito ay mula sa buwis ng taong bayan.

Pinayuhan din nito ang mga tumanggap ng pinansyal na tulong na ang natanggap na pera ay gamitin sa pagpapaayos ng bahay at huwag ibili ng two-by-two hehehe!!!! (Rey S. Fernando)

Comments