Paglulunsad ng “Taon ng Layko”, at sama-samang pananalangin

Kasabay sa pagtatapos ng “Taon ng Pananampalataya”, binuksan at inilunsad naman ang “Taon ng Layko” noong Biyenes (Nov.15, 2013) na isinagawa sa Covered Court ng Mount Carmel College Baler, Aurora, kasabay din sa paglulunsad ng Book 400 years.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng presentasyon ng mga kabataan, dito ipinakita nila ang tungkulin ng mga Layko sa pagsusulong ng isang Simbahan na nagpapalaganap ng salita ng Diyos at pagsasabuhay nito na si Kristo ang Sentro.

Sumunod ang input ni Rev. Fr. Dave Capucao, tinalakay nito ang hamon ng bagong Ebanghelisasyon at mga programa ng Simbahan at ang panawagan ni Pope Francis I, ang pananampalataya.

Sumunod naman ang mga testemonya mula sa mga institusyon, MSK worker at Sektor sa katauhan nina Ginoong Rogelio Pio, Nilo Serrano at Gng. Daning Lombres. Dito binigyang diin nila ang tunay na paglilingkod sa kapwa at sambayanan na walang hinihintay na kahit anong kapalit batay sa turo ng Sibahang Katolika.

Sa huling bahagi, ang pagtanggap ng misyon at sama-samang pananalangin kasabay ang pagsisindi ng mga kandila. (Arnel M. Turzar)

Comments