Pagtatapos ng mga pulis sa Criminal Cnvestigation (CIC), naging matagumpay

Naging matagumpay ang pagtatapos ng mga bagong hasang police sa kanilang training sa Criminal Investigation (CIC).

Pinarangalan ang may 60 police na mula sa 4 na bayan ng lalawigan ng Aurora. Ito’y mga selected lamang na mula sa mga bayan ng Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora at bayan ng Baler.

Dumaan umano sa matinding pagsasanay ang mga ito na halos mahigit isang buwan na nagsikap bago makamit ang tagumpay na ito.

 Ito ang pang apat na batch sa mga pinalad na makapagtapos na kung saan ay si PSSUPT Raul Valeria ang naging panauhing pandangal.

Sa kanilang pagtatapos agad na itatalaga ang mga ito sa mga bayan na kanilang paglilingkuran bilang isang criminal investigation officer o bilang isang imbestigador.

Comments