Pananatili ng buss sa loob ng Green Circle Corporation sa Dingalan, ipinagbabawal na

Pinagbabawal na ang matagal na pananatili ng mga buss sa loob ng Green Circle Corporation sa bayan ng Dingalan, Aurora.

Nakatanggapa na umano ng Order mula kay Green Circle Corporation Operation's Manager Eduardo Queto, ang kumpanya ng Dingalan Buss Transit Express na bumibiyahe Umiray-Dingalana patungo ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.Buss.

Hindi na maaaring manatili ng matagal sa lugar ang kanilang mga buss unit upang maiwasan umano ang pagkakarga ng mga illegal na kontrabandong kahoy na nagmumula umano sa area ng GCC na mahigpit namang ipinagbabawal ang pagputol at maglabas ng kahoy dito.

Matatandaang naglabas ng kautusan ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources DENR-Dingalan, mahigpit nitong ipinagbabawal ang pagpuputol ng kahoy sa nasasabing lugar.

Pumayag naman ang pamunuan ng Danilo Buss Transit Express sa order ng Green Circle Corporation, na maghahatid nalamang ito ng kanilang mga pasahero dito at agad ding aalis upang hindi na muling mangyari ang hinalang  pagkakarga ng mga illegal na kahoy. (Arnel m. Turzar/Marlon Padua)

Comments