Participatory Climate Change Vulnerability Sssessment (PCVA) matagumpay na isinagawa sa bayan ng Dinalungan

Matagumpay na naisinagawa ang tatlong araw na Participatory Climate Vulnerability Assessment o PCVA  sa Brgy. Mapalad at  Poblacion Zone 02, sa bayan ng Dinalungan, Aurora kamakailan. 

Pinangunahan ito ng mga PCVA Trained Facilitators ng mga BHW, BNS at mga LGU representatives. Sa unang araw ay isinagawa ang transect walk kung saan nilibot ng grupo ang buong barangay mula purok 01 hanggang purok 07.

Layunin ng aktibidad na ito upang makita at ma-obserbahan ang mga pagbabagao sa buong barangay mula sa kagubatan, yamang tubig, yamang lupa, imprastraktura at iba pa simula noong taong 1960.

Sa tatlong araw na ito, nakagawa ang grupo ng hazard map, seasonal calendar, hisrorical map at naayos din ang kanilang spot map. Ang resulta ng ginawang pag-aaral ay ibabalik sa barangay upang magamit ng buong komunidad.

Layunin pa ng PCVA na matulungan ang mga residente ng barangay na masuri ang tunay na kalagayan ng kanilang komunidad pagdating sa mga sakuna lalong-lalo na ang mga nasa baybaying dagat na madalas  maapektuhan ng climate related events katulad ng sea level rise o pagtaas ng tubig dagat at coral bleaching na nakakaapekto naman sa huli ng mga mangingisda.

Comments