Phl Red Cross-Aurora tumatanggap ng donasyon para sa mga Yolanda survivors sa Visayas

Patuloy na nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC)- Aurora Chapter sa mga mamamayan ng lalawigan na tulungan ang mga survivors ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.

Sa isang panayam,  sinabi ni PRC Chapter Administrator Sherwin Nakar na tumatanggap sila ng donasyon na pagkain, damit, medisina at pera.

Maari aniyang dalhin ang mga donasyon sa opisina ng PRC sa Palayan St., Brgy. Suklayin sa bayan ng Baler.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Nakar sa numerong 09998156168. (Arnel M. Turzar & JSL/PIA-Aurora)

Comments