Programang Peace and Order sa Brgy. Dinadiawan, pinapaigting

Ipinatigil na ang mga maiingay na Videoke bar sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora upang mapanatili ang katahimikan sa lugar.

Ito ang sinabi ni Barangay Kapitan Ike Amper ng makapanayam ng CMN News, alinsunod aniya ito ng pagsusulong ng programang Peace and Order sa kanyang nasasakupang.

Ayon pa kay Ike  Amper, mula ng ipatigil at ipasara ang mga bahay aliwan sa kanyang barangay ay bumaba na ang mga naitalang kaguluhan at patayan kung saan madalas na sanhi at pinagmumulan nito ay mga videoke bar.

Aniya, iIsa itong masamang ehemplo para sa mga kabataang pumupunta sa mga ganitong bahay aliwan upang mag liwaliw, ito rin aniya ang pinagmumulan ng hindi pagkakasundo na nagdudulot ng hiwalayan ng mga mag-asawa dahil sa hindi kanais-nais na nakikita dito. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments