“Sa Tubig at Dugo”, aklat ng kasaysayan ng pananampalataya sa Aurora

Mahalagang malaman ang kasaysayan ng pananampalataya sa lalawigan ng Aurora, ito ang sinabi ng mga may akda ng Book 400 Years sa paglulunsad nito noong Biyernes (Nov.15, 2013) sa bayan ng Baler, Aurora

Ang aklak na pinamagatang “sa Tubig at Dugo” ay kasaysayan ng pananampalataya ng Aurora, isang kongkretong hakbang ng mga mananampalataya sa Aurora na isinadokumento ang proseso ng kanilang kasaysayan sa iba’t ibang larangan, higit sa lahat ang larangan ng pananampalataya.

Ito anila ay hindi ordinaryong aklat ng kasaysayan, sa halip ito ay mga pananaw ng mga mamamayan patungkol sa kanilang pananampalataya at ang pinagmulan at pag-usbong ng panananampalataya.

Saklaw ng aklat ng kasaysayan ang kuwentong kasaysayan ng simula at naging kaparaanan ng relihiyong Kristiyano sa Pilipinas, at partikular sa Aurora mula sa pagdating ng mga Kastili hanggang sa masakop ng mga amerikano. Sinuri din nito ang kontekstong historical na naging mapagpasyang kadahilanan sa pag-usbong ng uri ng pananampalataya at Simbahang namayani sa bansa at sa Aurora, (Arnel M. Turzar)

Comments