Suggested retail price ng DTI-Aurora, dapat sundin para sa mga produktong pang noche buena ngayong Kapaskuhan

Sundin ang itinakdang presyo para sa mga pangunahing bilihin ngayong darating na kapaskuhan.

Ito  ang tinuran ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Aurora, matapos na ito ay magpalabas ng  Suggested Retail Price (SRP) List para sa mga produktong pang Noche Buena ngayong darating na kapaskuhan.

Ayon kay Gng. Pacita Bandilla, Section Head ng Consumer Welfare and Business Regulation Unit, hindi dapat patungan ng malaki ang mga produktong ibinebenta sa merkado gaya na lamang ng pasta, keso ,tomato sauce, mayonnaise, ham at iba pa.

Nagbigay din ng tips ang ahensya para sa mga mamimili na tingnang mabuti ang expiration date o best before date at price tag ng mga bibilhing produkto para masigurong tama at hindi sobra sa itinakdang presyo nito.

Suriin ding mabuti ang timbang nito kumpara sa iba pangbrand.

Para naman sa may mga reklamo at katanungan, maaaring makipag ugnayan sa Market and Vendors Office na nasa pamilihang bayan ng Baler, upang mabigyang ito ng pansin.

Comments