Suspek sa pang hahalay sa isang menor de edad, bugbog sarado ang inabot.

Bugbog sarado ang inabot ng isang lalaki na kinilalang si Jhony Be, 33 taong gulang at suspek sa pang hahalay sa 11 taong gulang na dalagita, na itago sa pangalang  Nene.

Ayon sa report, binugbog ang naturang suspek makaraan na ito ay mabisto sa kalapastanganang ginagawa sa dalagita habang natutulog ang mga ito kasama pa ang dalawang nakababatang kapatid.

Nahaharap ngayon sa kasong statutory rape o pang hahalay sa menor de edad ang suspek na si Jhony Bee, at ngayoy  nakapiit na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora.

Comments