Tulay malapit sa paaralan sa Brgy. Simbahan-Dinalungan, inirereklamo ng mga magulang at guro

Inirereklamo ng mga guro at ilang magulang ang kawalan ng aksyon ng kumpanyang may hawak sa  kontrata ng ginagawang tulay sa Brgy. Simbahan, Dinalungan Aurora.

Ayon sa isang tawag na natanggap ng CMN News sa isang guro ng naturang paaralan, napaka delikado umano sa kalagayan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa Paulino Bautista Elementary School sa nabanggit na Brgy. ang matarik na tambak ng kalsada sa harap mismo ng gate ng naturang paaralan

Nag-usap na umano ang punong guro ng naturang paaralan sa foreman ng construction company ngunit binabale wala  lang umano nito ang daing ng mga guro.

Nakiki-usap ang mga guro sa tanggapan ng DPWH na sanay aksyunan nila ang naturang suliranin. (Rey F. Fernando)

Comments