Tulay na mag-uugnay sa Sitio Castillo at Brgy. Sabang, hinihiling ng mga residente dito na gawin na

Nananawagan sa kinauukulan ang mga residente ng Sitio Castillo Brgy Sabang, Baler, Aurora dahil magpahanggan sa ngayon ay hindi parin itinutuloy gawin ang tulay na magdudugtong patungo sa kanilang lugar, ito ang kanilang hinaing.

Sa panayam ng CMN News sa ilang residente doon, abala at pahirap sa kanila ang araw-araw nilang pag ikot pauwi at papunta sa kanilang lugar, dahil ang tulay na nag uugnay sa Sitio Castillo at Brgy. Sabang ay hindi parin nagagawa.

Ayon naman pa sa kanila, may bangka na ginagamit upang makatawid sa ilog pero hindi anila ito sapat lalo na kung may mga dala silang kalakal na kinakailangan ang malaking sasakyan. 

Lubhang delikado rin umano para sa kanilang kaligtasan ang tumawid sa ilog lalo na kung masama ang panahon. (Melanie Hugo/Arnel M. Turzar)

Comments