2 nagnakaw ng Cell phone, arestado sa bayan ng Baler

Arestado ang dalawang kalalakihan sa bayan ng Baler, Aurora makaraang nakawin umano ng mga ito ang isang unit ng Nokia Cell Phone kulay Silber at Black na nagkakahalaga ng P1,500.00 kahapon (Dec.2).

Base sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP sa pangunguna ni PO2 Guewin D. Atun, nakalagay umano ang cell phone na pagmamay-ari ni Marvin Torre y Corbadura sa kanyang tricycle na nakaparada sa Barangay 05 nang ito ay kunin dakong alas 12:30 ng umaga ng dalawang suspek na kinilalang sina Jonh Paul España y Barribal, at Kerby Carrasco y Orfanel, kapwa residente ng Barangay 01, ng nasabing bayan.

Agad ding sinampahan ng kasong pagnanakaw ang dalawang suspek sa tanggapan ng Provincial Prosecutor sa sala ni Atty. Hydierabad A. Casar kahapon. 

Ang dalawang suspek ay kasalukuyan nang nakakulong sa Panlalawigang Piitan ng Aurora, sa barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments