Aurora Governor Atty. Gerardo “Gerry” Noveras, nagpaabot ng mensahe sa pagdiriwang ng karapatang pantao

Taos pusong nagpaabot ng mensahe si Aurora Governor Atty.  Gerardo “Gerry” Noveras bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng ika-65 taong Deklarasyon ng Karapatang Pantao na isinagawa kahapon (Dec.10) sa MCC covered court, Baler, Aurora ng Multi-Sectoral Action Group.

Kalakip sa kanyang mensahe ng pakikiisa na binasa ni G. Alex Galban, nanawagan ang Gobernador ng lalawigan na magkaisa at mag kapit bisig upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamayan ng lalawigan upang marating ang isang kalagayang kaaya-aya para sa lahat.

Tiniyak ng gobernador na sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang ama ng lalawigan ay hindi niya hahayaan ang sistemang mapagmalabis at mapaniil, manapay patuloy na isusulong ang pamantayang maka tao lalo sa mga kapos palad, sinasamantala at inaapi.

Dag-dag pa niya, lubos ang kanyang paniniwala  sa pagtataguyod at respeto sa mga kalayaan at karapatan na dapat matanggap ng bawat tao upang mag karoon ng mapayapang pamayanan, matiwasay na pamumuhay , pagkaka pantay-pantay, katarungan at kaunlaran na madarama ng lahat lalo na ng mga mahihirap. (Arnel M. Turzar)

Comments