Computer Shop na lalabag sa Ordinansa, papatawan ng mataas na multa – Baler

Matapos ang reklamong natanggap mula sa mga magulang  hinggil sa mga may-ari o operator ng mga computer shop sa bayan ng Baler, nais ipa rebisa ng sangguniang bayan members ang ordinansa  na nakakasakop dito hinggil sa pagpataw ng kaukulang multa sa mga ito.

Base sa isinagawang pagpupulong ng mga Sangguniang Bayan Members kasama ang ilang naimbitahang may-ari ng mga computer shop, ilang Principal ng paaralan at PTA President, nais nilang itaas ang parusa sa mga lumalabag dito dahil anila magaan lamang ito kaya hanggang sa ngayon ay wala pa ni isang napapatawan ng parusa.

Ayon sa panayam ng CMN News kay Baler Sangguniang Bayan Meber Gina Agapito, marami parin sa mga ito ang tumatanggap ng mga estudyante kahit oras ng klase o kaya ay naka uniporme pa. Dahil dito marami sa mga ito ang madalas lumiban sa oras ng klase at nasisira ang pag-aaral. 

Marami din sa mga mamayan ang sumang-ayon dito kayat tanging panawagan nila sa mga magulang ay pagtuunan at bigyang pansin ang bawat gagawin ng kanilang mga anak.

Saklaw ng ordinansang ito ang mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya. (Melanie Hugo & Arnel M. Turzar)

Comments