Drum and Lyre competition sa Dipaculao, nagkaroon dayaan

Nakatakdang mag sagawa ng isang protesta ang isa sa mga partisipante ng drum and lyre competition noong katatapos na pistang bayan ng Dipaculao, Aurora.

Layunin ng grupo ay upang maipakita na hindi sang ayon sa resultang inilabas sa naturang patimpalak.

Ayon sa mga guro trainor at mga nanonood sa nasabing patimpalak, dismayado sila dahil di umanoy nagkaroon ng dayaan dahil sa halos abutin ng apat na oras bago ipinalabas ang mga resulta.

Napag alaman pa ng grupong ito na di umanoy pinag bubura ng mga tabulator ang mga score na walang counter sign ng chairman of the board.

Ayon naman kay Mrs. Libay Lapsot, ang committee  ng drum and lyre competition, sinisiguro aniyang walang dayaan na nangyari sapagkat wala silang nilabag sa criteria for judging.

Sa kabilang dako, hands off umano ang pamahalaang lokal ng dipaculao dito dahil 2007 pa lamang ay nang yayari na ang ganitong issue at hindi ngayon lamang.

Ayon sa alkalde, hindi na siya nakikialam sa mga ganitong bagay kaya nag talaga na lamang sila ng judge upang siyang bahalang humusga sa patimpalak.

Dagdag pa ng alkalde, ayaw niyang mabigyan pa ng ibang kahulugan ito dahil sa may mga kamag anak din siya na kasama rito.

Comments