Pagdiriwang ng
Karapatang Pantao o Human Right Day nakatakda isagawa bukas araw ng Sabado sa tatlong
bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag.
Ito ay
isasagawa sa Barangay Bianoan, Casiguran, Aurora ng iba’t ibang mga samahan na
nakapaloob sa mga nabanggit na bayan sa pangungunahan ng Bikaryato ng DiBiCaDi.
Ang ganitong
aktibidad ay isinasagawa taun-taon tuwing buwan ng Disyembre.
Ngayong taon
ipagdiriwang ito sa layuning: Pagtatambol ng isyu ng pork barrel sa Aurora
laban sa pork barrel scam. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment