Ika-65 taong anibersaryo ng Human Rights Day, ipinagdiwang sa bayan ng Baler

Matagupay na naidaos ang ika-64 na taong anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao o Universal Declaration on Human Rights, sa bayan ng Baler Aurora kahapon (Dec.10) na dinaluhan ng may 300 katao mula sa iba’t-ibang Parokya sa Bikaryato ng Valley-Ding, mga institusyon at Samahan katulad ng JPAG, Bataris, PAMANA at AKAP na pinangunahan ng Multi-Sectoral Action Group o MSAG-Aurora sa layuning: Pagtatambol ng isyu ng pork barrel sa Aurora sa pork barrel scam.

Ganap na ika-8:00 ng umaga nagsimula ang programa sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Nilvon co Villanueva sa Parokya ni San Luis Obispo.

Sumunod ang parada bitbit ang mga placard na nagtutuligsa sa mga isyung kinahaharap ng lalawigan ganoon din ang pagkondina sa pagpaslang kina Romualdo "ka Waldo" Palispis at ka Willem Geertmen, ang parada ay umikot sa kabayanan mula sa Simbahan hanggan sa Pamilihang Bayan ng Baler at bumalik sa MCC Covered Court, na ginabayan ng Baler PNP at ng MCC Drum and Lyre.

Ipinagpatuloy ang naturang pagdiriwang sa MCC Covered Court na kung saan dito nagkaroon ng pagtatalakay sa Pambansang Kalalagayan na ginamapanan ng panauhing tagapagsalita mula sa Ecumenical Institute for Labor Education & Research o EILER, ang Education Program Coordinator na si Romeo “ka Omeng” de Vera, gamit ang power point presentation, binigyan diin nito ang isyu ng Pork Barrel Scam at ang mga proyekto ng gobyerno na iilang tao lamang aniya ang nakikinabang.

Sumunod ang paglalahad ng Lokal na Kalalagayan ng Aurora sa pamamagitan ng cultural presentation ng AKAP, ipinakita naman dito ang mga isyu na kinahaharap ng maraming mamamayan sa lalawigan ng Aurora katulad na lamang ng Food Basket sa Maria Aurora, Mari culture sa Dipaculao, Heritage Zone sa Baler, APECO sa Casiguran at Political Dynasty sa Aurora at marami pang na itinuturing na tila hindi makataong proyekto, ganoon din ang PDAP sa Aurora. Ipinakita din sa pamamagitan ng power point presentation ni G. Remy Gutierrez ang milyon-milyong pondo na ginastos sa mga proyekto ng gobyerno noong nakaraang administrasyon ng lalawigan. Matapos ito ay sumunod ang Ecumenical Prayer ng ginampanan nina Pastor Alexander Viernes at Sisiter Adelpa.

Tinapus ang programa sa pagsusunog ng Epigy ng malaking ulo ng Baboy na may mga nakadikit na larawan ng ilang Senador at ni Janet Lim Napoles na sangkot umano sa Pork Barrel Scam. (Arnel M. Turzar)

Comments