Ilang lugar sa Brgy. Sabang, mahigpit na binabantayan ng baler PNP dahil sa sunod-sunod na naganap na kaguluhan at nakawan

Naghigpit pa ang Baler-PNP sa ginagawa nitong pagbabantay sa Sitio Labasin, Brg.y Sabang, Baler, Aurora, makaraan ang insidente ng nangyaring pagkaka paslang dito ng isang binatilyo at base narin sa mga naitalang sunod-sunod na nakawan partikular na sa mga madalas tuluyan ng mga bisitang nagtutungo sa lalawigan upang mag bakasyon.

Sa panayam ng CMN News sa Hepe ng Baler-PNP Rex Perocho, dinoble nila ang ginagawang pagpapatrolya sa lugar lalo na sa gabi kung saan mas higit na maraming tao ang nagpupunta sa lugar. Nagtalaga na rin ang hepe ng mga pulis suot lamang ang plain clothes upang mag silbing mata sa nasabing lugar.

Ang Brgy Sabang sa bayan ng Baler ay kilala bilang isa sa sentro ng turismo sa Aurora kaya marapat lamang aniya na mas mabantayan ang kapayapaan at kaayusan dito upang sa ganon ay mas marami pang turista foreign man o lokal ang mas mahikayat na bumisita.

Sa huli aniya, ay mas higit na makakabuti kung dodoblehin pa ang kaukulang pag-iingat lalo na sa gabi kung saan mas mataas ang insidente ng kaguluhan. (Melanie Hugo)

Comments