Isang empleyado ng gobyerno sa Aurora, ninakawan sa Clemente’s Resort

Nilooban at pinagnakawan ng hindi pa nikikilalang mga kawatan ang Clemente’s Resort sa Sitio Virrey, Barangay Pingit, Baler, Aurora noong araw ng Martes (Dec.3).

Base paunang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong ala-sais ng gabi ng maganap ang panloloob sa nasabing resort, binaklas umano ang pinto sa bahagi ng master bedroom nito na nagsilbing daanan ng mga suspek.

Ayon kay Marlon Clemente y Reopta, napansin umano nito na bukas ang pinto at nakalabas na ang box na pinaglalagyan ng mga alahas ng kanyang asawa na si Gng. Chaterine Clemente, empleyado ng gobyerno.

Natangay ng mga kawatan ang dalawang (2) Ring na nagkakahalaga ng P6,000 ang bawat isa, isang (1) Bracelet with ID na nagkakahalaga naman ng P37,000, dalawang (2) Necklace na nagkakahalaga ng P18,000, at dalawang (2) paris na Earring na nagkakahalaga ng P8,000. Ang mga naturang alahas ay pagmamay-ari ni Gng. Clemente. Maliban sa mga alashas, natangay din ang isang (1) unit ng Toshiba Laptop na inisyu sa kanyan ng Provincial Government Office.

Sa isinagawang imbestigasyon naman ng mga tauhan ng Aurora Provincial Crime Laboratory Office, Narekober ng mga ito ang pitong (7) latent print mula sa mga pinaghihinalaang magnanakaw. 

Ang naturang insidente ay kasalukuyan pang iniimbestigahan upang malaman at mapanagot ang responsible dito. (Arnel M. Turzar)

Comments