Isyu ng pork barrel, isang paglabag sa karapatang pantao, ayon sa Public Attorney’s Office-Aurora



Mariing binigyan ng pansin mula sa mensahe ng Public Attorney’s Office o PAO bilang pakikiisa sa ipinagdiwang na ika-65 taong anibersaryo ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao sa bayan ng Baler, Aurora kahapon (Dec.10) ng MSAG, ang usapin hinggil sa pork barrel kung saan isa ito sa mahigpit at matibay na sumisikil sa  karapatan ng bawat isa, pag unlad at kabuhayan.

Dagadag pa, naging paraan  ito ng mga mapagsamantala bagamat may natulungan din ay mas higit naman ang pagsalanta sa karapatang pantao dahil halos karamihan sa mga naging porsiyento nito ay napunta sa iilan na mahahalintulad  sa mga aliping itim na nag pipiyesta sa  kakarampot na karne na pinapagulong ng mga busog na busog na Panginoon. (Arnel M. Turzar)

Comments