Mag-iina, patay sa landslide sa Casiguran, Aurora

Patay ang apat na katao ng natagpuan matapos silang matabunan ng lupa ng mag land slide ang bahagi ng lupa sa kinatatayuan ng kanilang bahay sa Barangay San Ildefonso, Casiguran, Aurora dahil sa tatlong araw na walang humpay na pagbuhos ng ulan.

Kinilala ang mga biktima na sina Mercy Terobias 42 taong gulang, ina ng mga biktima rin na sina Carmie, 11 taong gulang; Vanessa, 8 taong gulang; at Jazel, 5 taong gulang.

Ayon sa kanilang ama na si Caleb Terrobias, Pastor ng Indigenous Christian Church of the Philippine, naganap ang pagguho ganap na ika-9 ng gabi noong Miyerkules (Dec.11) umabot na hanggang tuhod guho at dakong alas 9:30 ng gabi tuluyang natabunan ang kanilang tahanan.

Nakaligtas lamang si caleb ng butasin nito ang bubungan ng bahay ngunit nabitawan naman nito ang kanyang anak. Matapos maka labas ay agad itong humingi ng tulong at alas 10:30 na kagi ng marekober ang asawa at anak na bunso na magka yakap ngunit wala na itong mga buhay. Alas 1:00 naman ng umaga ng  ng marekober naman ang isa nitong anak ngunit sa kasamaang palad ay wala narin itong buhay. Kasunod namng nahukay ang panganay na anak nitong si Charlie na may pulso pa ngunit tuluyan pang nalagutan ng hininga dahil sa pag kakadagan ng gumuhong lupa at putik.

Sa impormasyong nakuha ng CMN News kay konsehala Jenifer Aranya ng Casiguran, gumawa na aniya siya ng hakbang upang makatulong sa mga biktima kung saan si Casiguran mayor Ricky Bitong ay nag talaga na ng MDRRMO team sa pangunguna ni Engr, Menandro Lapada kasama ang PNP upang agad na mag tungo sa lugar.

Ngunit balakid naman sa team ang patuloy na pag buhos ng ulan kung saan ang landslide site ay tatawid pa ng dagat na halos aabutin pa ng humigit 1 oras. 

Humihingi naman ng tulong ang mga kaanak ng biktima kung saan noong nakaraang bagyong Labuyo ay nawasak din ang kanilang bahay at hindi pa man lang nakaka rekober ang kanilang kabuhayan.

Sa panayam ng CMN News kay pastor Gerome Glemao, kaibigan ng ama ng mga biktima, ang labi ng mga nasawi ay pansamantalang nakalagak sa covered court ng Sn Ildefonso sa Casiguran Aurora. (Rey S. Fernando)

Comments