Pagtatalaga ng mga Fire Cracker Zone para sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan ng Baler sinisimulan na ng PNP

Sinisimulan na ng Baler-PNP sa pangunguna ng kanilang Hepe Rex Perocho ang pagtatalaga ng mga fire cracker zone para sa pagdiriwang ng darating na kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Sa panayam ng CMN News, makikipag ugnayan sila sa lahat ng mga kapitan ng bawat barangay upang sila ang kanilang makatuwang sa pagpapatupad nito. Mag tatalaga naman ng Information Desk Assistance para sa Oplan Iwas Paputok.

Dahil dito pinapaalalahanan na nila ang publiko habang maaga na iwasan ang paggamit ng malalakas na uri ng mga paputok sa pagsalubong ng pasko at bagong taon. Katuwang ang BFP (Bureau of Fire Protection), ang sino man na mahulihan at makitang magbebenta ng malalakas na uri ng paputok ay agad nila itong kukumpiskahin.

Mahigpit rin naman na ipinagbabawal sa lahat ng mga mamamayan ang pagpapaputok ng baril upang makaiwas sa disgrasya at mga kasong dapat kaharapin ng sino mang lalabag dito.

Sa mga may balak mag paputok, mungkahi ng ahensya na humanap na lamang ng safe at malawak na lugar upang hindi makasakit at maiwasan ang sunog na dala ng mga fire crackers.

Sa huli aniya, higit na mas makakabuti kung gagamit na lamang ng mga bagay na pwedeng lumikha rin ng ingay gaya ng lata, takip ng kaldero at marami pang iba. Bukod umano sa makakaiwas na sa gastos safe pa sa kalusugan at panganib na dala ng mga paputok. (Melanie Hugo)

Comments