Participatory Climate Vulnerability Assessment o PCVA – CC-CBA

Matagumpay na naisagawa ang Participatory Climate Vulnerability Assessment o PCVA sa Limang Barangay sa bayan ng Dinalungan nitong nakaraang buwan ng Nobyembre. 

Nag-umpisa ang PCVA Roll-out sa Brgy. Ditawini noong ika-11 ng Nobyembre na sinundan naman agad ng Brgy. Abuleg, Brgy. Mapalad, Pobalacion Zone II at Poblacion Zone I. 

Ang PCVA Roll-out ay pinangunahan ng Save the Children CC-CBA Project, trained Facilitators, mga BHW, BNS, Midwife at mga opisyales ng barangay. 

Layunin ng PCVA na matulungan ang mga residente ng barangay na masuri ang tunay na kalagayan ng kanilang komunidad pagdating sa mga sakuna lalung-lalo na ang mga nasa baybaying dagat na madalas naapektuhan ng climate related events katulad ng sea level rise o pagtaas ng tubig dagat at coral bleaching na nakakaapekto naman sa huli ng mga mangingisda. 

Mula sa ginawang pag-aaral, nakagawa ang mga trained facilitators, BHWs, BNS at mga kagawad ng barangay ng maayos na historical map, transect map, hazard map, calendar map at iba pa. 

Ang resulta ng ginawang pag-aaral ay ibabalik sa barangay upang magamit ng buong komunidad. (CC-CBA & Arnel M. Turzar)

Comments