Sangguniang Bayan ng Baler , nagbabala sa mga computer shop

Nagbabala ang pamahalaang bayan ng Baler hinggil sa mga may-ari o operator ng mga computer shop na patuloy na binabalewala ang kautusang nakasaad sa section 01, na kung saan ipinag babawal ang pagtanggap ng mga estudyante sa oras ng klase.

Nakasaad sa section 02 na papatawan ng kaukulang parusa ang sino mang lalabag sa ordinansang ito. Sa unang paglabag ay papatawan ng 500,00 piso. Sa ikalawang paglabag naman ay 1,000 piso,  at sa ikatlong paglabag ay 1,500 piso at kanselasyon ng business permit nito. (Arnel M. Turzar & Melanie Hugo)

Comments