Yapit Crick sa Umiray-Dingalan, umapaw ang tubig, hindi madaanan

Hindi na naman madaanan ng kahit anung uri ng sasakayan ang Crick sa Sitio Yapit, Barangay Umiray, Dingalan, Aurora dahil sa pag-apaw ng tubig sanhi ng halos maghapon at magdamag na walang humpay na pagbuhos ng ulan doon.

Ayon sa impormasyong nakalap ng CMN News mula sa bayan ng Diangalan, dakong alas 12:00 ng tanghali kahapon ng tumaas ang tubig sa nasabing sapa.

Dahil dito hindi na nadaanan mula pa kahapon ng kahit anong sasakayan patungo at balabas ng barangay Umiray, kaya ang mga residenteng inabutan ng istranded doon ay naglakad na lamang at pilit na tumatawid sa gabaywang at rumaragasang tubig upang makauwi sa kanikanilang tahanan. (Arnel M. Turzar)

Comments