12 anyos na lalaki, nabundol ng motorsiklo sa Bayan ng Dipaculao, nagtamo ng gasgas sa siko at tuhod
Nagtamo ng
gasgas sa magkabilang siko at tuhod ang isang batang lalaki nang ito ay
mabundol ng humahagibis na motorsiklo kahapon (Jan.21) sa Barangay Gupa,
Dipaculao, Aurora.
Ang biktima ay
si John Dave Echalar, 12 taong gulang at residente ng naturang Barangay.
Samantala ang
nakabangga ay hindi naman nalaman ang pangalan ngunit ito di umano ay taga
Barangay Ditale sa bayan din ng Dipaculao, nakuha naman ang plate No. ng
motorsiklo nito na RL 5176.
Sa panayam sa
telepono ng CMN News kay Kon. Aquino ng Gupa, pauwi na umano ang biktima buhat
sa basketball court ng Barangay pagsapit
sa may over flow bigla umano itong nabundol.
Idinadaing ngayon
ng biktima ang pananakit ng likod nito. Nananawagan naman ang lola ng biktima
na sino man ang nakakakilala sa nakabondol sa bata ay mangyaring ipagbigay alam
agad sa opisyal ng Barangay o sa mga otoridad, upang ito ay mapanagot sa
aksidenteng kinasangkutan.
Comments
Post a Comment